NATIMBOG na ng mga awtoridad ang itinuturing na ika-limang most wanted person sa SOCCSKSARGEN region at itinuturong nasa likod ng madugong pagpapasabog Isulan, Sultan Kudarat nuong 2018 na ikinasawi ng tatlong tao.
Kasunod ito ng pagkakadakip ng mga awtoridad sa ikinasang counter-terrorism operations sa Barangay Poblacion, Ampatuan, Maguindanao laban kay Norton Saptula/Jihad Salipada Sabttula alyas Norton.
Si Norton ay nahaharap sa patung-patong na mga kasong may kinalaman sa pagpapasabog sa Isulan.
Nabatid na miyembro si Saptula ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) (Karialan Faction sa ilalim ni Sukarno Sapal alyas Diok) na siyang kumikilos sa Maguindanao.

