Sumadsad ang isang barko sa pampang ng baybayin sa Barangay Cantapoy, Malimono, Surigao del Norte.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nag abandon ship ang crew ng LCT Cebu Great Ocean.
Agad namang rumisponde ang mga tauhan ng PCG upang magsagawa ng search and rescue (SAR) operation sa sumadsad na barko.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, kaninang umaga ay may contact pa sa mga crew habang inaanod ang kanilang life raft dahil na malalaking alon.
May iniulat naman na dalawang nahiwalay sa iba pang crew.
Ayon pa kay Balilo, nahirapan ngayon ang SAR teams ng coast guard dahil sa malalakas na alon.
Samantala, naglabas na rin ng ”notice to mariners” ang PCG Station Surigao del Norte sakaling mamataan ang umano’y mga nawawalang crew ng barko.
Lulan ng barko ay tinatayang 2,000 litro ng diesel at mga nickel ore.

