Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna–Nag-negatibo sa COVID-19 swab test ang 66 na pulis na bahagi ng Police Regional Office 4-B MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) na nakasalamuha ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas.
Sinabi ni PRO 4-B spokesperson Lt. Col. Imelda Tolentino na kabilang sa mga nag-negatibo ay si MIMAROPA Police Director Brig. Gen. Pascual Munoz Jr.
“The results of the RT-PCR tests conducted have been released and all are negative. Likewise, as of this date, not anyone from the identified close contacts experienced COVID-19 symptoms,” dagdag pa nito.
Aniya, ginawa ang test sa ika –anim na araw matapos ang command visit ni Sinas sa PRO 4-B headquarters sa Oriental Mindoro noong nakaraang Marso 11 upang masigurado na kung nahawa talaga sila ng virus. Lumalabas ito matapos ang 5-7 araw matapos ang pagkakalantad sa nasabing nakamamatay na virus.
Matatandaan na nalaman ni Sinas na positibo sya sa COVID-19 nang araw mismo na nag-command visit siya sa regional headquarters ng PRO 4B sa Oriental Mindoro.
Sa ngayon, kasalukuyang naka-quarantine na ang PNP Chief matapos magpositibo sa nakahahawang sakit.

