Higit sa P5-milyong halaga ng Ecstasy, nasabat sa Pampanga

Aabot sa mahigit P5 milyong  halaga ng Ecstasy ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) –  Port of Manila (POM) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), sa pakikipag-ugnayan ng Enforcement and Security Service (ESS) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa Dau, Mabalacat Pampanga.

Ayon sa BOC, nasa 3,100 piraso ng Ecstasy tablets ang nasabat mula sa claimant  sa isang controlled delivery operation.

Kinilala ang claimant na si Agatha Lavadia Palen, na nagbigay ng authorization letter upang tanggapin ang pakete na naglalaman ng mga gamot na naipadala sa isang Zhyelle Marquez Ancheta. 

Orihinal na idineklarang Orthopedic jelly shoes, flexible led mirror, dust buster, hand mixer, at birdhouse display ang pakete at nang maberipika, ito ay naglalaman ng nasabing ilegal na droga na umaabot sa kabuuang halaga na P5.270 milyon .

Binitbit ang claimant  at ngayon ay nasa kustodiya ng PDEA para sa isinasagawang imbestigasyon  sa posibleng paglabag sa Anti-illegal Drugs Act at  Customs Modernization and Tariff Act.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.