Ginawaran ng libreng pabahay ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Calamba ang may dalawampu’t limang pamilya na nakatira sa Nia Road Brgy. Real, Calamba City, Laguna.
Ayon sa alkalde ng Calamba City na si Mayor Justin Marc Chipeco, ito ay ang mga informal settlers na lubos na nangangailangan ng maayos na matitirahan dahila nakatira sila sa delikadong lugar.
Proyekto ng alkalde ang pagbibigay ng disenteng matitirhan sa mga ito upang sila ay maging ligtas sa anumang nakaambang panganib o sakuna sa hinaharap.

