9 na lugar sa Pilipinas, may red tide – BFAR

SIYAM na lugar sa Pilipinas ang natukoy na positibo sa paralytic shellfish poison o mataas na antas ng red tide toxin.

Sa ipinalabas na sa Shellfish Bulletin No. 25 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resoources (BFAR), batay sa isinagawang pagsusuri ay nakitang may paralytic shellfish poison sa Milagros sa Masbate; baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Western Samar; baybayin ng Biliran Islands; Carigara Bay sa Leyte; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur; Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal muna ang pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang na hindi ligtas sa pagkonsumo ng tao.

Gayunman, maaari naman umanong kumain ng isda, pusit, hipon at alimasag bagamat kailangan lamang na nilising mabuti at alisin ang lamang-loob bago lutuin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.