Breaking News

Share this information:

NASAWI ang isang 9-taong gulang na babae matapos maaksidente ang sinasakyang tricycle sa Magallanes, Cavite, nitong araw ng Sabado, June 12, 2021.

Hindi na umabot ng buhay sa San Lorenzo Ruiz Hospital sa bayan ng Naic ang biktima na nakilala lamang sa pangalang “Jayz”.

Bukod sa nasawi, apat na iba pang kaanak nito ang sugatan kabilang ang isang 22 anyos na si Madel Epe, isang 12-anyos na lalaki, isang 2 taong gulang at ang 43 anyos na driver ng sasakyan na si Loida Pontanes.

Lumalabas sa imbestigasyon ni Police Staff Sgt. Armando Perez ng Magallanes Municipal Police Station (MMPS), galing ng outing ang mga biktima at pauwi na sana ng maganap ang trahedya sa kahabaan ng national highway, Barangay Tua dakong alas 9:45 ng umaga.

Sakay sa tricycle ang magkaka anak at pagsapit sa isang pababang bahagi ng kalsada nang umano’y mawalan ng kontol sa manibela si Pontanes kaya mabilis na bumulusok ito na nagresulta ng kanilang pagkaka aksidente.

Ligtas na sa kapahamakan ang mga nasugatan habang patuloy pa na inoobserbahan ang mga ito sa ospital.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: