86 dumalo sa misa at libing naospital dahil sa sandwich

HALOS 90 indibidwal ang hinihinalang nalason sa kanilang kinaing sandwich sa dinaluhang misa at libing sa Catanduanes.

Batay sa paunang impormasyon ng pulisya, nakaranas ng pagsusuka, lagnat at pagdudumi umano ang 86 na residente mula sa mga bayan ng San Andres at Virac.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga sinasabing nabiktima ng food poisoning. Ipinatawag na ang caterer na naghanda ng naturang pagkain upang maimbestigahan sa insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.