7 Cyber-libel cases vs Erwin Tulfo, isinampa sa korte

SAN SIMON, Pampanga – Pormal nang sinampahan ng seven counts of cyber-libel case ang television news anchor na si Erwin Tulfo ng isang negosyante at dating konsehal ng bayan dahil sa “mistaken identity” o maling report na pinagkamalang isang tsino at may-ari ng Real Steel Corporation (RSC) na nagdulot ng kahihiyan sa pangalan at pangamba sa buhay ng complainant.

Naghain ng kaukulang kaso araw ng Martes ng hapon, September 22, si Melchor Santillan Tayag, ng Barangay San Agustin sa nasabing bayan sa tanggapan ng Office of the Provincial Prosecutor sa City of San Fernando kaugnay ng inilabas niTulfo sa kanyang social media account na nagdulot ng pagkapahiya sa magandang imahe ng pangalan ni Tayag na dating nanungkulang konsehal ng bayan.

“I was described as Chinese national in one of the social media posts with caption “Chinese national pinipilit ang mga empleyado magshabu, ginagawang target practice at binubugbog.” ayon sa ipinahayag ni Tayag sa kaniyang complaint affidavit na isinampa sa fiscal office.

“It’s a big mistake. That photo is me but I’am not Erwin Chua. Now, I and my family fear for my safety because of the mistaken identity and irresponsible reporting” ani Tayag

Ang reklamo ay tinanggap ni Attorney Chito Pantaleon, Associate Provincial Prosecutor and Investigating Prosecutor.

Kaugnay nito, ang kumpanya ay naghahanda rin ng hiwalay na  multiple counts of cyber-libel kay Tulfo at isang nakilalang Joey Gumana, na siya umanong nagbigay ng impormasyon sa nabanggit na news anchor.

Ayon kay Atty. Jose Mari C. Lacas, abogado ng RSC, nakalap na nila ang mga ebidensiya laban kay Tulfo at Gumana na silang responsable at nasa likod ng kasinungalingan at walang basehang akusasyon na inilabas sa social media laban sa nasabing steel manufacturing industry.

“Tulfo’s multiple posts including maltreatment other accusations against the owner of RSC have been found to be baseless and false,” wika ni Lacas.

Nabatid na nitong nakaraang September 10 at September 11 ay nag-post si Tulfo sa kaniyang  Facebook account na umanoy ilan sa mga trabahador ng RSC ay minamaltrato at ginagawang  target practice ng Chinese owner at puwersahang pinapasinghot ng shabu bago mag-report sa trabaho.

Sinabi ng TV anchor na mahaharap sa kasong multiple criminal charges sa korte ang may-ari ng kumpanya na pinangalanang si Erwin Chua kabilang na ang human trafficking, violation of the immigration law at serious illegal detention base sa reklamo ng mga complaining workers na sinasabing ayaw din palabasin sa nasabing steel factory sa loob ng anim na buwan.

Dahil dito, binisita ng  regional office ng Department of Labor and Employment sa Region 3 kasama ang local police ang factory upang alamin ang kundisyon ng mga manggagawa rito at mag-imbestiga kaugnay ng akusasyon.

The workers were not locked-up, they were not allowed to go out and accept visitors to protect them from the coronavirus,” ayon kay Director Maria Zenaida Angara Campita kung saan dagdag nito na maganda ang intensyon ng RSC sa kaniyang mga manggagawa kung saan bahagi nito ay upang makaiwas ang mga trabahador na mahawa sa Covid-19.

Nabatid pa kay Campita na ang mga naturang manggagawa ay boluntaryong nag-resign at hindi na-rescue gaya ng lumabas sa social media.

Sertipikado rin ng local police ang RSC workers at workplaces ay pawang mga drug-free.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.