7-anyos hinalay at pinatay ng kapitbahay sa Bacolod City

Share this information:

KALABOSO ngayon ang 24-anyos na lalaki na itinuturong humalay at pumatay sa pitong taong gulang na babae sa Barangay Estefania, Bacolod City nuong Biyernes ng gabi.

Tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na si Dexter Villa Juan, 24-anyos, nagtatrabaho sa sugar plantation sa lugar at kapitbahay ng biktima.

Batay sa paunang ulat ng Bacolod City Police, natagpuan ang walang buhay na biktima sa isang madilim na lugar sa Purok Arao sa nasabing barangay dakong alas-11 ng gabi.

Bago ito, nakipag-inuman pa si Juan sa mga kamag-anak ng biktima ngunit maaga umano itong umalis.

Dakong alas-siyete ng gabi nang mapansin ng kanyang ama na nawawala ang anak nito at kanilang hinanap hanggang sa makitang wala ng buhay.

Inamin ni Juan ang krimen na aniya ay dalawang beses niyang pinalo sa ulo ang bata at dinala sa madilim na lugar. Nang makitang wala ng buhay ay iniwan umano ng suspek ang batang babae saka nagtangkang tumakas.

Ayon pa sa suspek, sobrang kalasingan ang dahilan kaya’t hindi na nito alam ang kanyang nagawang krimen.

Agad na nahuli ang suspek matapos na may magturo rito na nakitang huling kasama ng biktima.

Nahaharap ang suspek sa kasong rape at homicide.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.