61 volcanic quakes, naitala sa Mt. Bulusan

NASA kabuuang 61 pagyanig o “volcanic quake” ang naitala Bulkang Bulusan sa nakalipas lamang na 24 oras.

Ang impormasyon ay batay sa latest bulletin na ipinalabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Tinatayang nasa 499 na tonelada naman ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan simula kahapon, ayon sa ahensiya.

Nananatili pa rin sa Alert Level 1 o “low-level unrest” ang bulkan sa ngayon.

Paalala naman ng PHIVOLCS na bawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius na permanent danger zone.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.