2 opisyal ng Pharmally na sabit sa isyu ng overpriced COVID-19 supplies, nakalaya na

Tuluyan nang nakalabas ng Pasay City Jail ang dalawang opisyal ng kumpanyang Pharmally matapos ang mahigit anim na buwang pagkakapiit.

Iyan ay makaraang maisilbi na ng mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant At Arms ang release order para kina Mohit Dargani at Linconn Ong.  

Una nang ikinulong ang dalawang opisyal ng Pharmally sa Pasay City Jail matapos silang i-cite for contempt ng Senate Blue Ribbon Committee.

May kinalaman ito sa umano’y pagmamatigas nina Dargani at Ong na ilabas ang financial record ng kumpanya kaugnay ng imbestigasyon ng senado sa pagbili ng gobyerno ng COVID-19 supplies na sinasabing overpriced.

PHOTO: Senate Office of the Sergeant-at-arms

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.