Tatlong anggulo ang sinisiyasat ngayon ng pulisya kaugnay ng pag-atake ng may limampung armadong lalaki sa bayan ng datu piang sa maguindanao.
Tinukoy ni pnp chief director general debold sinas ang away-pulitika ng mga lokal na opisyal ng datu piang partikular na ang alitan sa pagitan ng alkalde at bisa alkalde ruon.
Inaalam din kung may kaugnayan ang insidente sa paghihiganti sa pagkamatay ni Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) member Abu Suffian sa isang operasyon ng pulisya sa Cotabato City nuong Disyembre 1.
Kasama sa iniimbestigahan ang sinasabing personal na galit ng ilang miyembro ng BIFF sa chief of police ng Datu Piang matapos na maaresto ang dalawa nitong tauhan.
Nuong gabi ng Huwebes ay sinalakay ng armadong kalalakihan ang Barangay Poblacion sa Datu Piang at matapos ang 35-minutong barilan ng magkabilang panig ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

