3.13 milyon, walang trabaho – PSA

UMAKYAT pa sa 3.13 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Pebrero bagama’t nagluwag na ang maraming lugar sa bansa sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1.

Batay sa huling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumabas na nasa 6.4 percent ang unemployment rate o ang porsyento ng mga Pilipinong edad 15-pataas na walang trabaho, mas mataas kumpara sa 2.93 milyong walang trabaho noong Enero.

Gayunman, kung ikukumpara noong Pebrero ng nakaraang taon na umabot ng 4.19 milyon ang walang trabaho ay mas mababa na ang naitala ngayong taon.

Sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na dahil sa pagluluwag ng COVID-19 restrictions ay marami ang aktibong naghanap ng trabaho o ang labor force participation rate na tumaas ng 63.8 percent noong Pebrero subalit hindi lahat ay natanggap sa kanilang nais na pasukan.

We can surmise that the opening of the economy, the easing of restrictions encouraged ang ating mga kababayan na maghanap ng trabaho. Marami ang naghahanap ng trabaho pero hindi sila nakakuha ng trabaho na gusto nila,” ani Mapa.

Possible reasons are not enough jobs or some are waiting for other opportunities,” dagdag nito.

Samantala, kasabay din ng pagtaas ng bilang ng mga taong walang trabaho, tumaas din ang mga may trabaho noong Pebrero na naitala sa 45.48 milyon mula sa 43.02 milyon noong Enero.

As we contained the spread of the Omicron variant and ramped up the vaccination program, we were able to revert to Alert Level 2 in the National Capital Region and other economic centers starting February 2022. This allowed more Filipinos to rejoin the labor force,” pahayag naman ni NEDA chief at Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.