NASA 28 ang mga tripulante ng barkong St. Anthony de Padua ng 2Go Travel ang nagpositibo sa COVID-19.
Batay sa impormasyon mula sa Philippine Coast Guard, tatlo sa mga tinamaan ng virus ay naging severe cases at kinailangang matutukan pero sa naging stable na rin ang kondisyon.
Kabilang sa kanila ang chief mate na isolated sa San Juan Doctors Hospital (San Juan), ang 2nd Engineer na nasa Golden Gate General Hospital (Batangas City), ang 2nd Officer na isolated na sa Chateau Royale Kalinga Hotel (Nasugbu).
Ang 25 naman sa mga crew ay walang sintomas o kaya ay mild lamang ang nararamdamang sakit at naka-quarantine na sa barko. Nakahiwalay din ang iba pang 54 na tripulante ng MV St. Anthony de Padua.
Mayruon nang doktor sa barko na nakatutok sa mga tripulanteng positibo sa COVID-19 at ang PCG na ang tumutugon kung may pangangailangan dahil bawal silang bumaba ng barko.
Galing ng Caticlan sa Malay, Aklan ang nasabing barko at dumaong sa Bauan Bay sa Batangas nuong Agosto 7.

