24-hour complaint hotline vs police scalawags, itinalaga ni NCRPO Chief Danao

MAS pinahusay o isinaayos ang sumbungan ng bayan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Regional Director Brig. General Vicente D. Danao para hindi mag-atubili ang nais magreklamo sa anumang paglabag tulad ng iligal na droga, katiwalian at iskalawag sa kanilang hanay.

Ito ay ang NCRPO 24-hour complaint hotline na tatanggap ng mga reklamo mula sa mamamayan sa Metro Manila sa pamamagitan ng 0915-888-81-81 sa Globe at 0999-901-81-81 sa Smart subscribers at ang social media accounts ng NCRPO.

Hinikayat ni NCRPO Chief ang mga gustong magparating ng reklamo na may option silang hindi sabihin ang kanilang pagkakakilanlan upang magarantiyahan ang pangamba sa kanilang seguridad.

Malaki ang paniwala ni Danao na napatunayan sa paglipas ng mga taon na mahalaga ang suporta ng komunidad sa pagkalap ng impormasyon sa paglutas sa mga krimen at maiwasan ang paglaganap ng krimen para sa peace and order.

With our invigorated campaign to promote internal cleansing and to ensure optimum delivery of police services to the people of Metro Manila, I would like to ensure the free-flow of communication between my Office and the community. This is going to be their direct hotline in airing out their issues and concerns. I also welcome reports involving personnel within our ranks who continuously defy orders, laws, rules and regulations, ani NCRPO chief.

Binigyang diin ni RD Danao,na ayaw niya na sinumang pulis sa kanyang pamunuan na   lalabag sa batas lalo na kung ito ay may kaugnay sa droga at ano pang mga illegal na gawain o aktibidadis kasama na ang pang aabuso sa karapatang pantao ng ating mga kababayan.

Dagdag pa ng opisyal, na kanyang lilitisin ang mga pulis na tiwali, tamad at scalawag.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.