SINABI ni Senator Ping Lacson na maawa ang mga senador sa kanilang sarili at magmumukhang barangay kagawad kapag nakita ang napakalaking infrastructure funds para sa mga congressional district.
Sa pagtalakay sa panukalang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa taong 2021, ibinunyag ni Lacson na sa house-approved version ng budget, may 220 congressional district na hindi bababa sa P1 bilyon ang infrastructure funds.
Ang pinakamataas ay nasa P15.351 billion pesos.
Sa iba pang congressional district, ang pinakamababa ay P620 million.
Sa kanyang impormasyon, ang mga kongresista ang may kagagawan nito at hindi ang DPWH.
Hindi naman pinangalanan ni Lacson ang kongresista sa mga tinutukoy niyang distrito para ma-focus lang sila sa pondo at hindi sa mga personalidad.
Matatandaan naman na sa naunang budget deliberations, sinabi ni Lacson na isang urban district sa Davao ang nakakuha ng lagpas P15 billion na infrastructure funds.
Wait! Theres more!
Bukod naman dito, sinabi rin ng senador na may 739 na line items para sa multi-purpose buildings na pinabibigyan ng Kamara ng pare-parehong P1 milyon na aniya ay kwestiyunable kung ano ang mararating.
Batay dito, payat pa pala ang nakita niyang P68 billion na ipinapopondo sa mga skeleton na multi-purpose buildings.
Hinihingan ito ni Lacson ng paliwanag sa susunod na mga pagdinig.