KALABOSO ngayon ang dalawang ‘ruturning overseas Fiipinos’ o ROFs ng mabuking sa inorder nilang ilegal na droga sa dalawang delivery riders habang naka quarantine sa isang hotel sa Taguig City kanina.
Ito ay matapos masabat ng Philippine Coast Guard (PCG) at mga tauhan ng Bureau of Quarantine (BOC) ang mga kontrabando na ipinadeliver ng dalawa sa tinutuluyang isolation hotel sa Bonifacio Global City (BGC).
Batay sa nakalap na report mula sa Task Group Bantay Bayanihan, tatlong sachet ng shabu ang nakuha mula sa dalawang riders na sina Gilbert Virtudazo at Joel Santillan.
Pero inabswelto ng mga awtoridad ang unang rider na si Virtudazo na naghatid ng package para kay Sandy Eduarte kung saan idineklarang cellphone at damit ang laman subalit nang usisain ang likod na cover ng telepono ay nakita ang ilegal na droga.
Napag alaman kasi na dumaan sa regular na proseso ang transaksyon kay Virtudazo at inosente ito sa inihatid na mga item.
Tinuluyan naman na dinakip ang pangalawang rider na si Santillan na nagdala ng ilegal na droga at nagpakilalang pinsan ng isa sa mga umorder na RoFs na si Raymond Badjao.
Kasong paglabag sa RA 9165 ang kinakaharap nina Eduarte at Raymond Bajao na galing United Arab Emirates (UAE) at sa lalamove rider na si Santillan.

