2 pulis ipinasisibak sa serbisyo dahil sa ilegal na droga

Share this information:

INIUTOS na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas ang pagpapasibak sa serbisyo ng dalawang baguhan pulis matapos na magpositibo sa ilegal na droga sa isinagawang random drug testing.

Partikular na ipinasasailalim ni Sinas sa pre-charge investigation at summary dismissal proceedings sina Patrolman Reyland Lacap Intal ng Olongapo City Mobile Force Company at Patrolman Benhur S. Ismael ng 2nd Sulu Provincial Mobile Force Company.

Ang dalawang non-commissioned officers ay dinisarmahan na at isinailalim sa restrictive custody ng kani-kanilang police unit habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

“If left undetected, these two police rookies will continue with their drug use and perhaps influence others. They will have to go because there is no place for addicts in the PNP,” diin ni Sinas.

Sina Intal at Ismael na nagpositibo umano sa paggamit ng marijuana at shabu ay nahaharap din sa kasong administratibo.

Ang sorpresang drug testing sa lahat ng police personnel ay bahagi ng internal cleansing program ng  institusyon.

Simula nuong 2016, aabot na sa 16,839 police officers ang naparusahan dahil sa pagsisikap ng PNP na malinis ang hanay nito mula sa mga scalawag.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

2-month old boy abandoned by alleged rebel mother in Negros

Sun Jan 17 , 2021
A mother who is an alleged New People’s Army (NPA) member abandoned her two-month old son in Negros Occidental. A concerned citizen informed the 7th Infantry Battalion of Philippine Army about some rebels roaming around in Hacienda Ambulog, Brgy. San Fernando, Negros Occidental. As the military troops approached the said […]

Follow Us

%d bloggers like this: