2 pulis, dedo sa sunog sa loob ng Kampo Crame

Share this information:

DALAWANG pulis na nakatalaga sa loob mismo ng Kampo Crame ang nasawi dahil sa pagka kuryente at “suffocation” o hirap sa paghinga matapos silang rumesponde sa isang nasusunog na gusali sa nabanggit na national headquarters ng pambansang pulisya madaling araw ng Biyernes Enero 8, 2021.

Batay sa report na isinumite kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Debold Sinas, nakilala ang mga biktima na sina Police Master Sergeant Amado Ormillon Jr. at Police Staff Sergeant Nichol Jamosmos.

Dalawa din na police officers na sina Police Lieutenant Victorioso Yulde at Police Staff Sergeant Jesus April ang ini-ulat na nasugatan ng tangkaing saklolohan sina Ormillon at Jamosmos.

Kapwa nagpapagaling na sa PNP General Hospital ang dalawa na nagtamo ng 1st degree burns sa kanilang katawan.

Ayon sa inisyal na report, pasado alas 2 ng madaling araw ng sumiklab ang sunog sa compound ng Logistics and Support Services (LSS) sa nasabing kampo.

Nakarinig umano si Transportation Maintenance Division Deputy Chief Police Lt. Col. Daniel Vinluan ng malakas na pagsabog at nakitang may malaking apoy sa bandang likuran ng armored vehicle na naka parada sa nabanggit na gusali.

Sinubukan umanong apulain ng dalawang nasawi ang malaking apoy subalit sila umano ay kapwa nakuryente at hindi na nagawa pang umalis sa lugar kung saan makapal na rin ang itim na usok.

Si mismong PNP Chief na ang nagpapa imbestiga sa insidente kung ano ang naging dahilan ng sunog na ikinasawi ng dalawa nitong tauhan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.