2 patay sa sunog sa Quezon City

Share this information:

NASAWI ang dalawang residente ng isang lumang gusali sa Barangay Pag-asa, Quezon City sa sunog na sumiklab, Biyernes ng gabi.

Tinukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima na sina Juanita Ramos, 58-taong gulang at Silvestre Ramos, 63-anyos.

Nakatira ang mga dalawang biktima sa ika-limang palapag ng gusali.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Quezon City Fire Bureau, nagsimula ang apoy sa ika-apat na palapag at kumalat paakyat ng gusali.

Nabatid mula kay Quezon City BFP District Director Senior Superintendent Joe Bangyod, maaaring na-suffocate o hindi na nakahinga sa matinding usok mula sa sunog ang dalawang biktima.

Mga papel bukod pa sa mga gulong ang sinasabing nakatambak sa yunit na pinagmulan ng apoy.

Faulty electrical wiring ang posible umanong dahilan ng sunog na umabot ng ikalawang alarma. Walong pamilya ang apektado ng insidente habang tinatayang P150,000 ang halaga ng naging pinsala ng sunog.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.