Nagpapakawala ngayon ng tubig ang Magat Dam dahil sa patuloy na pagtaas ng antas nito na dulot ng mga pag-ulang dala ng bagyong Vicky.
Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, isang gate ng magat dam ang binuksan ng isang metro simula kaninang alas-singko ng madaling araw.
Ito ay makaraang halos umabot na ang tubig sa dam sa normal water level na 193 meters.
Kumpara kahapon na nasa 191.15 meters ang water level sa Magat Dam, umabot na ng 191.66 meters ang antas nito kaninang alas-nueve ng umaga.
Samantala, bahagya namang bumaba ang antas ng tubig sa La Mesa dam, Pantabangan dam, Caliraya dam, at Binga dam kung ikukumpara sa water level ng mga ito kahapon.