2 patay sa sunog sa Maynila

Share this information:

NASAWI ang dalawang residente sa Sta. Cruz, Maynila matapos na masunog ang kanilang bahay kaninang madaling araw.

Nabatid mula sa Manila Bureau of Fire Protection ang pagkakakilanlan ng mga biktima na sina Frencelyn Batol de Leon, 35-anyos at Precious Prey de Leon, 6-anyos.

Sugatan naman si Jonel Mandap, 36-anyos, na nagtamo ng 2nd-degree burns kung saan agad na dinala ito sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Batay sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay na pag-aari ni Luz Maglalang de Vera at inuukopahan ni  Mandapat at kanyang pamilya sa  Elias St.

Dakong alas-6:15 ng umaga nang magsimula ang sunog at naapula bandang alas 6:55 ng umaga at umabot sa ikalawang alarma.

Tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng pinsala sa sunog  at nasa limang pamilya naman ang nawalan ng tirahan. (with reports from Jonah Aure)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.