Breaking News

Share this information:

DALAWANG katao habang dalawang iba pa ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa loob ng arsenal depot ng Department of National Defense (DND) sa Limay, Bataan.

Natukoy ng mga awtoridad ang mga nasawi na sina Ricardo Solomon ,  40, residente ng Orion, Bataan; at Marvin Tatel , 38 ng Barangay Alangan, Limay, Bataan.

Samantala, nakilala naman ang mga nasugatang sina Macreldo rodriguez, 57 at Allan Wisco , 36,, kapwa naninirahan sa Brgy. Lamao.

Ayon kay Police Senior Master Sgt. Jaime Austria Jr., imbestigador, nangyari ang  pagsabog sa Bldg. 27 ng DND Arsenal sa Brgy. Lamao kaninang alas-10:45 ng umaga.

Batay sa report, abala ang mga bikrima sa paghawak ng mga chemical components na gamit sa paggawa ng primer ng bala nang bigla itong sumabog.

Agad nasawi si Tatel habang nadala pa sa affirmary ng sa kampo si Solomon ngunit binawian din ng buhay bunsod ng tinamong pinsala sa katawan.

Nagtamo naman ng minor injuries ang dalawang iba pang kasaman ng mga biktima na nasa gusali din nang mangyari ang pagsabog.

Dahil sa insidente ay bahagyang nasira ang bahagi ng gusali gayundin ang iba pang mga makina na gamit sa paggawa ng bala.

Iniimbestigahan pa ng EOD ng Bataan Provincial Crime laboratory ang sanhi ng pagsabog.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: