Breaking News

Share this information:

BUMAGSAK ang isang eroplano sa karagatang sakop ng La Union kahapon araw ng MIyerkules (May 26, 2021) kung saan nasawi ang piloto nito.

Nakilala ang biktima na si Mark Irvin Sabili, 25 anyos, student pilot ng bumagsak na Tecnam P-2010 twin engine 4-seater aircraft (registry number RP-C8230).

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa Bauang Municipal Police Station, pasado alas 11 ng umaga nang mangyari ang pagbagsak ng eroplano sa bahagi ng Caba straight sa Barangay Urayong.

Bago bumagsak ang eroplano, nagpaikot ikot muna ito sa himpapawid hanggang sa sumabog ang bahagi ng nasa makina nito.

Narekober ng ilang mga mangingisda na malapit sa kinabagsakan ng eroplano ang labi ng student pilot, residente ng Barangay Paliqui, Apalit, Pampanga, 300 metro mula sa dalampasigan ng Barangay Wenceslao.

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng Operations and Rescue Coordination Center ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nagsasagawa ng ‘solo cross-country flight’ ang First Aviation Academy pilot na nag-take off mula sa Iba, Airport sa Zambales na may rutang La Union Airport at Lingayen Airport at pabalik ng Iba Airport.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: