2-anyos patay sa suntok ng amain sa La Union

PATAY makaraang pagsusuntukin ng kanyang amain ang dalawang taong gulang na babae sa bayan ng Bauan, La Union matapos umanong maingayan.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, unang isinalaysay ng suspek na nahulog umano ang bata na itinago sa pangalang Michelle kaya dinala sa ospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

Gayunman, nagduda ang mga awtoridad sa pahayag ng suspek na tinukoy lang sa pangalang Ronel kaya isinailalim sa awtopsiya ang mga labi ng bata.

Sa pagsusuri ay nakumpirma ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Michelle.

Napilitang sumuko ang suspek na umamin na limang beses nitong sinuntok sa tiyan ang bata dahil nagising siya sa ingay nito.

Hindi naman matanggap ng tunay na ama ng bata ang sinapit ng kanyang anak at nanindigang maituloy ang kaso laban sa suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.