2.8 milyong indibidwal sa Pilipinas, nakakumpleto na ng pagbabakuna kontra COVID-19

NASA mahigit na sa dalawa punto walong milyong indibdiwal sa buong bansa ang nakakumpleto ng dalawang doses ng bakuna laban sa COVID-19.

Batay iyan sa ipinalabas ng National Task Force Against COVID-19 na vaccination bulletin.

Sa kabuuan ay nasa 11,708,029 doses na ang naiturok sa mga Pilipino sa 1,197 vaccination sites nationwide kabilang ang mahigit 1.1 milyong health workers; mahigit 788,000 na senior citizens, halos 900,000 na persons with co-morbidities, 26,109 essential workers, at 227 indigents o mahihirap.


Nangangahulugan ito na nasa 254,141 ang arawang average ng doses na ibinabakuna sa mga mamamayan sa bansa.


Sa nasabing bilang mahigit walo punto walong milyong indibidwal ang nakatanggap ng unang dose o partially vaccinated.


Nauna nang tinatarget ng gobyerno na mabakunahan ang 50 milyon hanggang 70 milyong indibidwal sa bansa ngayong taon. 

ReplyForward

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.