Breaking News

Share this information:

DIRETSO sa kalaboso ang 19 katao, kabilang ang isang security guard, matapos ang isinagawang operasyon ng mga awtoridad kontra illegal gambling tulad ng “Online Sabong” sa Caloocan City.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) District Special Operation Unit (DSOU) OIC P/Major Amor Cerillo ang mga naaresto na sina Jude Hernandez, 21 anyos, Richard Vencing, 33 anyos, Reynaldo Lacsina, 45 anyos, Erick De Leon, 30 anyos, Jay Samodyo, 26 anyos, Ricky Glinogo, 46 anyos, Robert Callao, 44 anyos, Rodolfa Bonifacio, 37 anyos, Noli Escalona, 49 anyos, Christopher Calimag, 55 anyos, Eugeneo Ganadores, 54 anyos, Ryan Castillo, 30 anyos, company driver, Ricardo Delos Santos, 37 anyos, business owner, Julian Alugin, 40 anyos, security guard, Nemecio Elisaga, 55 anyos, Eniego Garcia, 43 anyos, Albert Lindongan, 34 anyos, Ronhie Aviles, 39 anyos, at Adan Bacarra, 45 anyos.

Sa report ni Major Cerillo kay NPD Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., nakatanggap ng tip mula sa isang confidential informant ang mga tauhan ng DSOU hinggil sa Online Sabong na nagaganap sa Blk 1 LRTB Court Sawata, Maypajo, Brgy. 35.

 Kaagad bumuo ng team ang mga tauhan ng DSOU sa pangunguna ni Major Cerillo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt.Col. Allan Umipig kasama ang 4th MFC-RMFB NCRPO sa pangunguna ni PLt. Abe Lunggami.

Matapos ang isinagawang breafing, kaagad pinuntahan ng mga pulis ang naturang lugar kung saan nagpanggap na bettor si Pat. Alberto Aribuabo at matapos nitong makataya sa bet collector na si Hernandez ay agad siyang nagbigay ng signal sa kanyang mga kasamang operatiba na mabilis namang lumusob at inaresto ang mga suspek.

Narekober ng mga pulis ang isang cellphone na gamit sa “online sabong.” papel na gamit bilang bet logs/receipt, ballpen, 50″ na TV na gamit bilang monitor sa illegal gambling game, P85,070 bet money at P1,000 bet money ni Pat. Aribuabo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: