18 vaccination sites target itayo ng Maynila para sa COVID-19 vaccination

Share this information:

Plano ng Lungsod ng Maynila na magkaroon ng 18 mga vaccination site sa lungsod para sa vaccination program ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Sinabi ni  Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa isinagawang mass simulation ng COVID- 19 vaccination sa Isabelo De Los Reyes Elementary School sa Tondo  na 540,000 libo ang tatanggap ng bakuna  kung magagawa ang kanilang target na bilang ng vaccination site.

Ayon pa sa alkalde, ito ay kung 18 libo kada araw  ang maba-bakunahan at kung gagawin ang vaccination  mula Lunes hanggang Linggo.

Ang simulation exercise aniya na ito  ang  pinakamalapit sa katotohanan dahil sa target ngayon na maserbisyuhan na isang  libong volunteer.

Ito rin aniya ay bahagi ng paghahanda para sa gagawing vaccination program ng gobyerno  sakaling dumating na sa bansa ang mga bakuna.
Aniya, hindi ordinaryo ang pagbabakuna  na gagawin kaya mahalaga ang aktibidad lalo  na at may ipinaiiral na health protocols kabilang ang social distancing.

Dagdag pa ng alkalde na iba-iba rin ang paraan sa pagtuturok ng bakuna depende sa gagamitin kaya’t kasama ito sa pinaghahandaan ng Manila Health Department at mga medical frontliners na katuwang nila sa vaccination program.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.