176 katao ang inilikas sa flashflood noong Pasko

Share this information:

INILIKAS ng mga tauhan ng Philippine Red Cross (PRC) ang ilang mga residente sa Misamis Oriental sa mismong araw ng Pasko dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig baha.

Ayon sa PRC, nagtalaga ito ng Water Search and Rescue team (WASAR) upang ilikas ang 176 na mga indibidwal sa 10 barangay sa bayan ng Ginoong na apektado ng flash floods.

Kasama sa mga inilikas ang mga bata at sanggol sa ligtas sa lugar.

We immediately deployed our 5-man WASAR team and other PRC assets and personnel. PRC will deploy its hot meals on wheels to the evacuation centers to provide hot, ready to eat food to the rescued families,” sabi ni Richard Gordon, PRC Chairman.

“Nakakalungkot na nangyari ito sa araw mismo ng Pasko. I commend the brave volunteers of Red Cross on the ground because they are putting their lives at risk to save the affected families. In spite of the challenges, the Red Cross will do what must be done,” dagdag pa ng PRC chairman.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.