16-anyos na babae patay nang sumabit ang buhok sa makina ng fishing boat sa Surigao del Norte

Share this information:

NASAWI ang isang 16-anyos na babae sa Tagana-An, Surigao del Norte makaraang sumabit ang kanyang buhok sa makina ng bangkang pangisda ng kanilang pamilya.

Ayon sa ulat, nalunod si Maria Mae Hurboda habang sinisikap ng kanyang pamilya at iba pang mangingisda na maialis ang buhok nitong nakaipit sa makina ng bangka.

Sa salaysay ng kapatid ng biktima na si Magie Mae, pauwi na sana sila matapos na mangolekta ng buhangin para sa kanilang bahay nang sabihan sila ng kanilang ama na alisin ang tubig sa bangka.

Gayunman, habang naglilinis ang magkapatid ay naipit ang buhok ng biktima.

“No’ng tinulungan siya ni papa, tumaob na ‘yung bangka. May karga rin kasi kaming buhangin,” pahayag ni Magie Mae.

Sumailalim na sa post-mortem examination ang bangkay ng biktima.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.