Nailigtas na ang lahat ng mangingisdang sakay ng lumubog na fishing vessel sa karagatang sakop ng Infanta, Pangasinan.
Kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCH) spokesman Commodore Armand Balilo na isang cargo ship na MV Kumano Maru ang nakasagip sa labing-limang mangingisda.
Una rito ay naglunsad ng search and rescue operation ang PCG sa lumubog na bangkang pangisda na may 17 crew.
Ngayong araw lamang naipabatid sa PCG ang nangyaring pagtaob sa fishing boat na Aqua Princess nuong Oktubre 7.
Ito ay makaraang maiparating sa bayan ng Infanta kaninang alas 5:30 ng madaling araw ang dalawa sa mga crew ng bangkang pangisda na sina Pedro Manalo Jr., at Jerbox Regala upang humingi ng saklolo sa mga awtoridad.
Ayon sa dalawang cres, hatinggabi nuong Miyerkules nang lumubog ang FB Aqua Princess.
Patuloy pa ang pangangalap ng karagadagang impormasyon ang PCG sa sitwasyon ng mga nailigtas na mangingisda.