15 anyos na dalagita, nalunod

Share this information:

ISANG 15-anyos na dalagita ang nalunod sa dagat ng Naic sa Cavite matapos itong maligo kasama ang ilang kaibigan noong Lunes ng umaga.

Ang katawan ng biktima ay napadpad at narekober naman sa bayan ng Tanza.

Kinilala ang biktima na si “Ann” o Mary Ann Asne, ng Block 15 Lot 113 Phase 3 Ciudad Verde, Timalan, Naic, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Nikko Paul Barranco ng Tanza Police Station, dakong alas-10;30 Lunes ng umaga nang nadiskubre ng isang Carlo Reymundo, 35, isang mangingisda ang nakalutang na bangkay ng biktima sa sa dagat sa sakop ng Brgy. Amaya 7, Tanza, Cavite, dahilan upang ipagbigay alam nakakasakop na barangay at sa pulisya.

Sa tulong ng social media, naipaabot sa mga kamag-anak ang sinapit ng biktima at kinilala ang kanyang bangkay.

Ayon sa pamilya ng biktima, Linggo ng hapon nang nagpaalam si Mary na maliligo kasama ang ilang kaibigan sa dagat na sakop ng Naic, Cavite subalit nalunod umano ito at hindi na nakita hanggang sa tinangay ang katawan nito sa dagat na sakop ng Tanza.

Wala naman nakitang anumang palataandaan na may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.