Biktima ng rape-slay: 15-anyos na babae, agnas ng matagpuan sa talahiban sa Zambales

Share this information:

HINIHINALANG ginahasa muna bago brutal na pinaslang ang isang 15 taong gulang na babae bago itinapon ang labi nito sa bulubunduking bahagi ng Subic, Zambales araw ng Miyerkules.

Ito ang sinasabing kalunos lunos na sinapit ng biktima na nakilalang si Joyce Anne Aranego, residente ng Sitio Baltao, Barangay Calapandayan ng matagpuan ang kanyang bangkay pasado alas 3 ng hapon sa may talahiban, na nakabalot ng tela ang mukha, hubot-hubad at nasa state of decomposition na ito habang ang kulay asul na pantalon ay nakita sa tabi ng kanyang labi.

Ayon kay Police Capt. Rolando Ballon, hepe ng Subic Municipal Police Station, 12-araw na ng makalipas simula ng siya ay iulat ng kanyang magulang na nawawala nitong Nobyembre 28.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, bago nangyari ang pagkawala ng dalagita ay mayroon umano itong ka-chat na lalaki na sinasabing magiging susi ng pulisya para makilala ang salarin.

Ang masaya sanang pagdiriwang ng ika-labinlimang kaarawan ni Joyce Anne kahapon, Disyembre 9, ay nahaluan ng lungkot at hinagpis ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Nangako naman ang hepe ng Subic MPS sa kaanak ng biktima na bibigyan ng nararapat na hustisya ang sinapit na kalupitan nito mula sa kamay ng suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.