NASA 116 pang bagong Delta variant (B.1.617.2) na mga kaso ang natukoy ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), ayon sa Department of Health (DOH).
Bukod dito, mayroon ding 113 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 122 Beta (B.1.351) variant cases, at 10 kaso ng P.3 variant sa huling batch ng whole genome sequencing.
Ang 95 sa natukoy na may Delta variant ay mga local cases at isa ang Returning Overseas Filipino (ROF).
Ang mga local cases ay mula sa NCR, CALABARZON, Central Visayas, Davao Region, Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, at Ilocos Region.
Ang kabuuan ngayon ng Delta variant ay 331 dahil ang kabuuang 216 Delta variant na naitala noong July 29, isang kaso ang natest sa dalawang magkahiwalay na labortoryo at naipadala sa UP-PGC para sa whole genome aequencing.
Gayundin ang Alpha variant case, mula sa 1,856 ay naging 1,855 makaraang maberipika na dalawang samples ng isang kaso ang natest sa isang laboratoryo.
Sa ngayon ang kabuuan ng Alpha variant sa bansa ay umabot na sa 1,968 dahil sa karagdagang 113 ngayong araw.
Nasa 104 naman ang local cases at 1 ang ROF.
Sa Beta variant naman, mula sa karagdagang 122 kaso, 104 ang local cases at 4 ang ROFs habang biniberipika pa ang 14 na iba pa.
Ang Beta variant na ngayon sa bansa ay umakyat na sa kabuuang 2,268.
Sa karagdagang P.3 variant case, 9 ang local cases at isa ang ROF. Lahat ng kaso ay na-tag bilang recovered.

