11 katao, arestado sa pot session at illegal drug trade sa Bataan

NADAKIP ang 11 katao sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Philippine National Police (PNP) sa Hermosa sa Brgy. Saba, Hermosa, Bataan, Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa ulat na ipinadala ni Hermosa PNP Chief, Police Major Emerson Coballes kay Bataan Police Director Police Col. Romell Velasco, kinilala ang mga nadakip na sina  Ogie Catacutan, 27 anyos, nasa watchlist ng drug personalities, taga A. Rivera, Hermosa; Jesus Torres, 49 anyos, taga Saba, Hermosa; Marvin Asuncion, 40 anyos, taga Parang-Parang, Orani; Jomar Torres, 30 anyos, taga Saba, Hermosa; Jerick Torres, 26 anyos, taga Saba, Hermosa; Roland Durante, 27 anyos ng Balsik, Hermosa; Lady Dianne Arnas, 29 anyos, taga Alauli, Pilar, Bataan; Nonilon Salome, 40 anyos, taga Daan Pare, Orion; Rocky Ramos, 46 anyos na taga Balsik, Hermosa; Jessie Tolentino, 48 anyos, taga Balsik, Hermosa, at Renato Pamintuan 47 anyos ng Balsik, Hermosa, Bataan.

Base sa report ng Hermosa Police, ang mga nadakip ay sangkot sa illegal drug trade at nahuli umanong gumagamit ng illegal drugs nang magsagawa ng operasyon ang iba’t-ibang unit ng Bataan PNP sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Nakuhang mga ebidensya ang anim na medium-sized heat-sealed transparent plastic sachet, anim na small-sized heat-sealed transparent plastic sachet, at dalawang open medium-sized heat-sealed transparent plastic sachet na lahat ay pawang may lamang suspected shabu; dalawang lighter, dalawang aluminum foil na may shabu residue, dalawang improvised aluminum tooter, isang gunting at P500 marked money.

Dinala ang mga nadakip at mga ebidensya sa Hermosa Municipal Police Station para sa proper documentation at disposition sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 11, 12, 13, 14, and 15 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.