WALA ng buhay nang matagpuan ang 11-anyos na lalaki sa isang mini dam sa Phase 3 Masapsap, Barangay Bayan sa Orani, Bataan.
Tinukoy ni Police Major Joey Sampaga, hepe ng Orani Municipal Police Station, ang biktimang na itinago sa alyas Jerome, residente sa Sitio Alikabok, ng nabanggit na bayan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4:30 ng Martes ng hapon nang mangyari ang pagkalunod ni Jerome sa kasagsagan ng pagsu-swimming nilang magkapatid at iba pang mga kaibigan sa dam.
Nag-dive umano ang biktima at hindi na muling nakitang umahon pa.
Sa isinagawang search and rescue operation sa tulong ng Philippine Coast Guard ay nakuha ang wala nang buhay na katawan ng biktima kaninang alas-nueve ng umaga, Oktubre 28.