1-year old baby boy pinagsasaksak ng lalaki na may “mental disorder” kritikal

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang taong gulang na sanggol na lalaki makaraan itong pagsasaksakin ng isang binatilyo na may problema sa pag-iisip sa Dinalupihan, Bataan.

Ayon kay Police Lt. Col. Emil Dela Cruz, hepe ng Dinalupihan Municipal Police Station, kanila ng ikinostudiya ang suspek na 19-anyos na si Draco Drackyll Smisek, residente ng Barangay Cabalan, Olongapo City.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente pasado alas 11 ng tanghali ng Martes, September 7, 2021 sa Purok Dos-A, Barangay Roosevelt kung saan umano nasa labas ng bahay ang sanggol at nakikipaglaro sa kanyang mga kaanak.

Maya maya pa umano ay biglang sumulpot si Smisek na may hawak na kutsilyo at daglian nitong dinaluhong ng sunod sunod na saksak ang bata.

Mabilis na isinugod ang biktima sa Dinalupihan District Hospital at nasa malubhang kalagayan matapos magtamo ng limang saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Sa follow-up operation ng pulisya ay nakorner ang suspek na nakatambay lamang hindi kalayuan sa lugar ng insidente. Ayon sa mga awtoridad na ang suspek ay may sakit sa kanyang pag-iisip batay na rin sa pahayag ng kaanak.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.