1 patay, 1 sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo

Patay ang isang rider habang malubha namang nasugatan ang isa pa matapos magsalpukan ang kanilang minamanehong mga motorsiklo sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Bernardino General Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Jet Helina, 24 anyos, ng B10 L10, Manga St. Amparo. Brgy. 179 ng naturang lungsod.

Kasalukuyan namang nakaratay habang ginagamot sa Philippine Orthopedic si John Michael Villanueva, 20, ng Bayabas St. Amparo Subd., Brgy. 179.

Sa imbestigasyon ni PCpl. Dennis Michael Natividad, dakong 11 ng gabi, minamaneho ni Helina ang isang Euro motorcycle samantalang minamaneho din ni Villanueva ang isang Honda Click habang kapwa tinatahak ang kahabaan ng Malantik St. sa magkabilang direksiyon.

Pagsapit malapit sa kanto ng Ipil St. Amparo, Brgy. 179, nagsalpukan ang harapang bahagi ng dalawang motorsiklo na naging dahilan upang kapwa magtamo ng mga pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawang rider dahil sa lakas ng banggaan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.