Yellow rainfall warning, itinaas sa Zambales; ilang lugar sa Luzon, makararanas ng malakas na pag-ulan

Yellow Rainfall Warning

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa posibleng pagbaha sa mga mabababang lugar sa Zambales.

Kasunod ito ng ipinalabas na Yellow warning rainfall advisory na ipinalabas ng weather bureau.

Kasabay nito, ibinabala rin ng PAGASA ang katamtaman hanggangs a malakas na pag-ulan na posibleng maka-apekto sa Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Rizal; mga bayan ng Morong at Dinalupihan sa Bataan, mga bayan ng Mabitac, Pakil, Santa Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Cavinti, Pagsanjan, Magdalena sa Laguna; mga bayan ng San Leonardo, Penaranda, Gapan sa Nueva Ecija; mga bayan ng Bamban at Capas sa Tarlac, Cavite City); at sa mga bayan ng Alabat, Perez, Mauban, Tayabas, Pagbilao, Lucena, at Sariaya sa Quezon.

Asahan din ang mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsan ay malakas na pag-ulan sa Batangas at sa mga nalalabing bahagi ng Bataan, Laguna, NuevaEcija, Tarlac, Cavite at Quezon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.