Breaking News

Share this information:

ANG kambal na sina Umeno Sumiyama at Koume Kodama mula sa Japan na may edad na 107 taon at 300 araw ay pormal nang kinilala bilang “World’s Oldest Identical Twins” nitong Setyembre ng Guinness World Records.

Ipinanganak at lumaki ang kambal sa Shodo Island, Japan ngunit ang dalawa ay magkahiwalay na naninirahan sa magkaibang care homes.

Maagang nilisan ni Kodama ang isla kaya naman ay naging malayo ang dalawa sa isa’t isa.

Ayon sa dalawa, madalas na lang sila nagkikita kung may mga kasal o iba pang life events.

Ipinadala ng Guiness World Records ang certificate sa dalawa sa pamamagitan ng postal delivery dahil na din sa banta ng COVID-19.

Kilala ang bansang Japan bilang bansa ng mga “supercentenarians” — mga taong umaabot sa edad na 110 taon at marami na ring record ang hinahawakan ng bansa sa mga ganitong uri ng parangal. 

(PHOTO CREDIT: guinessworldrecords.com)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: