WHO patuloy pang pinag-aaralan ang efficacy ng COVID-19 vaccine ng Sinovac

Share this information:

HINDI pa makakapagkomento ang World Health Organization (WHO) patungkol sa efficacy o bisa ng COVID-19 vaccine ng Chinese firm na Sinovac dahil nagpapatuloy pa rin ang kanilang ebalwasyon o pag-aaral hinggil dito.

Ito ang ipinahayag ni WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe kasunod ng pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization ng Sinovac vaccine bagamat hindi ito inirerekomendang ipaturok sa mga health worker.

Ayon kay Abeyasinghe, hindi nito alam ang lahat ng impormasyon na ibinahagi ng Sinovac sa kanilang regulations team na nagsasagawa na ng ebalwasyon kaya’t hindi pa niya masasabi ang efficacy rate nito.

Gayunman, maaaring may ilang impormasyon din aniya na ibinahagi ang Sinovac sa FDA ng Pilipnas kaya’t nagdesisyon din ito na limitahan ang paggamit ng bakuna sa mga edad disi-otso hanggang limampu’t siyam.

Kasabay nito, ipinahayag ni Abeyasinghe na ang COVID-19 vaccines na mayruong mataas na efficacy para protektahan ang mga tinatawag na high risk groups ay mas mainam na ikonsidera.

Maliban sa Sinovac, sinabi nito na maging ang Sinopharm vaccine ng China ay isinasailalim din sa ebalwasyon ng WHO.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Subic Freeport to host first ‘bubble’ volleyball playoffs

Tue Feb 23 , 2021
IN PHOTO: SBMA Tourism Department personnel prepare the SBMA sand courts on Tuesday for the start of PSL’s 2021 Gatorade-Beach Volleyball Challenge Cup this Friday. SUBIC BAY FREEPORT — The country’s first-ever volleyball tournament to be held under the Covid-19 pandemic will happen right here at the sand courts of […]

Follow Us

%d bloggers like this: