Welder, bakasyon sa kulungan dahil sa baril

Share this information:

SHOOT sa kulungan ang isang welder matapos makuhanan ng baril sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearm and Amunition) ang naarestong suspek na kinilalang si Christopher Narin Gemina, 42 anyos, ng Building 15, Room 211, Disiplina Village T. Santiago St., Brgy. Lingunan.

Sa imbestigasyon nina PSSgt. Regor Germedia at PSSgt. Jeff Bautista, habang nagsasagawa ng casing surveillance si PSMSgt. Roberto Santillan ng Valenzuela Police Station Intelligence Branch (SIB) sa Building 15, Disiplina Village T. Santiago St., Brgy. Lingunan dakong alas-2:10 ng hapon, isang concerned citizen ang lumapit sa kanya at nagbigay ng impormasyon na may itinatagong baril ang suspek.

Nilapitan ni PSMSgt. Santillan ang suspek na nakatayo sa ground floor ng naturang gusali at nagpakilalang pulis na naging dahilan upang kusang isinuko sa kanya ni Gemina ang isang revolver na may markang S&W 357 magnum na walang serial number at walang bala.

Nang hanapan ni PSMSgt. Santillan ang suspek ng kaukulang mga dokumento hinggil sa legalidad ng naturang baril ay wala itong naipakita na naging dahilan upang arestuhin niya ito

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.