Walong canister na may Kush marijuana, nasabat ng BOC

Share this information:

TINATAYANG aabot sa mahigit P52,000 na halaga ng Kush marijuana ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark.

Ang kargamento ay mula sa Pennsylvania, USA na idineklarang naglalaman ng “goodies” ang dumaan sa x-ray inspection at K9 sweeping na nagresulta ng pagkakatuklas sa ilegal na droga.

Sa physical examination, nadiskubre ang walong canister na naglalaman ng dried buds at dahon ng nasabing uri ng marijuana.

Itinurn over na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang sample nito para sa chemical laboratory analysis na siyang nakumpirma sa Tetrahydrocannabinol/ Marijuana, isang ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Dahil dito, agad na naglabas ng Warrant of Seizure and Detention si District Collector Alexandra Lumontad para sa paglabag sa  Sections 118 (g), 119 (d), at 1113 par. f, I & l (3 & 4) ng R.A. No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan sa  Section 4 ng R.A. No. 9165. 

Ikinasa naman ang controlled delivery operations ng PDEA at BOC sa Malabon City na nagresulta ng pagkakaaresto ng claimant.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.