Walang banta sa Traslacion 2021 – Manila Police

Share this information:

Ipinahayag ng Manila Police District (MPD) na sa ngayon, wala pa namang silang natatanggap na anumang banta pagdating sa seguridad  sa Traslacion 2021.

Ito ang tinuran ni MPD Director P/ Brig. General Leo Francisco  kasabay ng isinagawang Simulation Exercise  (SIMEX) sa tapat ng Sta. Cruz Parish Church na pinangunahan ng opisyal para na rin sa paghahanda sa seguridad ng Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Gayunman, sinabi ni Francisco na hindi nila ito binabalewala  at ang buong puwersa ng MPD ay nakahanda sa anumang maaaring mangyari.

Sa SIMEX, naging senaryo ang pagkakaroon ng isang shooting incident at  isang indibidwal ang binaril.

Ipinakita sa nasabing pagganap ang kahandaan ng mga kapulisan sa pagresponde upang maprotektahan ang nasabing indibidwal na binaril.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.