Walang arson o foul play sa naganap na sunog sa Comelec

Share this information:

NILINAW ng Commission on Elections (Comelec) na walang nangyaring arson o foul play sa naganap na sunog sa gusali ng Palacio del Gobernador noong Hulyo 31 ng gabi.

Ito ang tiniyak ni Acting Comelec spoksperson Atty .Rex Laudiangco matapos ang ilang ulit na pagkonsulta sa Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil sa naganap na sunog.

Sa kabila rin ito ang patuloy na pag-hihintay ng Comelec sa opisyal na ulat ng BFP sa tunay na dahilan ng sunog.

Una ring sinabi ni Laudiangco, maging ni Comelec Chairman George Garcia, na walang datos o server o makina ng Comelec ang nadamay sa sunog. 

Sa isinagawang walkthrough ng mga opisyal ng Comelec at BFP kaninang umaga, pawang maliit na bahagi lamang ng reception ng IT department (ITD) ang napinsala sa nasabing insidente. 

Tinitingnan ngayon ang power supply ng isa sa mga computer sa reception area ng ITD na maaaring sanhi ng pinagmulan ng naturang sunog.

(PHOTO CREDIT: Office of the Comelec Chairman)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.