Breaking News

Share this information:

MATAPOS mag-deklara ng kanyang kahandaan na tumakbo bilang pangulo ng bansa sa susunod na halalan, pormal nang naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Vice President Leni Robredo ngayong hapon sa Sofitel Harbor Garden Tent sa Pasay City.

Ganap na alas 3:20 ng hapon nang dumating sa filing area si VP Robredo kasama ang kanyang abogado na si Atty. Romulo Macalintal.

Sa paghahayag ng kanyang kandidatura at paglahok sa eleksiyon sa pagka-pangulo sa Office of the Vice President kanina, sinabi niyang isa sa kanyang agenda at pagtutuunan ng pansin  ang sektor ng kalusugan at korapsyon sa gitna ng health crisis.

Kasama rin ni VP Leni ang dalawa niyang anak nang maghain ito ng kanyang COC.

Si Robredo ay tatakbo sa ilalim ng Libreral Party,  habang ang napili nitong running mate ay si Sen. Francis Pangilinan. 

Ilan sa mga grupo na suportado ang pagtakbo ni VP Leni sa pagka-pangulo ay ang 1Sambayan.

Magugunitang pinili ng 1Sambayan si Robredo bilang pambato sa pagka-pangulo dahil sa malinis na track record at performance.

Buong-buo ang loob ko ngayon: kailangan nating palayain ang sarili mula sa kasalukuyang situwasyon. Lalaban ako; lalaban tayo. Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022,”  pahayag ni Robredo. 

Sa pagtakbo ni Robredo, muli na naman silang maglalaban at dating Sen. Bongbong Marcos na dati na niyang nakasagupa at tinalo sa Vice Presidential race noong 2016. 

(May kasamang ulat ni Jonah Aure)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: