Voters’ registration, suspendido hanggang Abril 30

IPINAGPALIBAN mula ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpaparehistro ng mga bagong botante gayundin ang voters’ certification sa gitna ng pagpapairal ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR).

Epektibo ang suspensyon ngayong araw, Abril 12  hanggang sa Abril 30.

Bukod sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna  at Rizal,  suspendido rin ang naka-schedule na voters’ registration  at voters’ certification  sa Santiago City, Isabela, Abra, Quirino at iba pang mga lugar na nasa ilalim ng ECQ o MECQ.

Tuloy naman ang voters’ registration at voters’ certification  sa nalalabing mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng GCQ at MGCQ mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Bukas naman ang Comelec office para sa  overseas voting  sa Intramuros Maynila gayundin sa mga aplikante na may urgent travel needs sa panahon ng MECQ.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.