Vote-buying ay bawal subalit bibigyan ng “due process” ang gagawa nito — Comelec

Share this information:

MAHIGPIT na nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na labag sa batas ang vote buying subalit tiniyak na bibigyan ng “due process” ang  mga kandidato na gagawa nito. 

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, maaaring kasuhan ng vote buying ang kandidato kahit na ikatwiran nito ang “humanitarian consideration.” 

Gayunman, may “due process” na ipatutupad upang malaman ang tunay na intensyon ng isang kandidato sa pamimigay ng pera. 

Samantala, nilinaw din ng Comelec na hindi maaring kasuhan  ng vote buying si Sen. Manny Pacquiao na tumatakbo bilang Pangulo, matapos itong magtungo sa Batangas at namigay ng tig isang libong piso.  Hindi ito vote buying dahil hindi pa naman nagsisimula ang campaign period, ayon sa Comelec. 

Katwiran ni Pacquiao, hindi pa man siya tumatakbo sa pagka Pangulo ay namimigay na siya ng tulong mula sa sarili niyang pera. 

Paliwanag pa ni Jimenez,  ang pagbenta at pagbili ng boto kapalit ng pera ay kapwa ipinagbabawal sa ilalim ng Omnibus Electionn Code na may parusang pagkakakulong na aabot ng anim na taon, at habambuhay na pagkadiskwalipika sa paghawak sa anumang posisyon sa gobyerno.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Insurance firm prioritizes office safety and employee wellness during the pandemic

Thu Oct 28 , 2021
AS of October 25, 2021, more than 25 million individuals in the Philippines have already been fully vaccinated in the country, or about 33.65 percent of the country’s target population, according to the National Task Force Against COVID-19 (NTF). Last October 16, 2021, the National Capital Region (NCR) has been […]
%d bloggers like this: