Breaking News

Share this information:

NASAWI ang isang 55-anyos na vendor matapos mabundol ng isang rumaragasang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Reynaldo Lopez, ng 1038 Mariano St., Maypajo, Brgy. 33, habang ang driver ng motorsiklo na kinilalang si Queer Patrick John Rongquillo, 21 anyos, estudyante, ng 2033 Jose Abad Santos Ave., Tondo, Manila ay nagtamo rin ng mga sugat sa katawan at ginagamot din sa naturang hospital.

Batay sa ulat na nakarating kay Caloocan City Police chief P/Col. Samuel Mina Jr., habang tumatawid si Lopez sa kahabaan ng A. Mabini St. near corner Damayan St. Brgy. 33 dakong ala-1:20 ng madaling araw nang salpukin ito ng humaharurot na motorsiklo na patungong C-3 Road at minamaneho ni Rongquillo.

Sa lakas ng impact, nakaladkad ang biktima ng motorsiklo na naging dahilan upang magtamo ito ng mga pinsala sa ulo at katawan habang nagtamo rin ng mga sugat si Rongquillo matapos tumilapon sa motor kaya’t agad silang isinugod sa nasabing pagamutan.

Ayon sa pulisya, mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Rongquillo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: